• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tahimik lang sa update ng kanyang kalusugan: KRIS, imposible pa na maumpisahan ang sinasabing TV show

MALABO na raw na maumpisahan ni Kris Aquino ang binabanggit na pagbabalik-TV show.
Ito at ayon sa isang source na nakausap namin, mukhang imposible pa raw na mangyari ang balitang-balita na gagawa si Kris show sa Kapamilya network.
Ito ay dahil sa estado na naman ngayon ng kalusugan ni Kris.
Kaya nga sa mga nagtatanong kung ano na ang mga latest ngayon sa buhay ng Queen of All Media na ito raw ang kasagutan.
After kasi maibalita last year na magbabalik na si Kris sa telebisyon ay wala nang narinig uli mula sa kanya ang publiko.
Kahit na ‘yung katatapos na Pasko at Bagong Taon ay hindi nagparamdam ang TV host-actress sa social media niya na bibihirang mangyari.
Kumbaga, very active si Kris sa pagbabalita sa anumang kaganapan sa buhay niya.
Siyempre, marami ang nagtatanong at hindi maiaalis na sobra na siyang ma-miss ng kanyang mga loyal fans.
(JIMI C. ESCALA)