Susunod na hakbang ukol sa GSIS investment, pinag-aaralang mabuti ni PBBM- Malakanyang
- Published on August 16, 2025
- by @peoplesbalita
MALALIMANG pinag-aaralan pa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang susunod na hakbang kaugnay sa kontrobersiyal na Government Service Insurance System (GSIS) P1.4 billion investment sa nakatalang renewable energy firm Alternergy Holdings Corporation.
”Kanina lamang po ay tinanong natin ang opinyon dito at ayon sa Pangulo ay inaaral pa po ito ng mas malaliman. Most probably by next week ay mayroon po tayong maibibigay na update patungkol po diyan,” Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.
Nauna rito, inilagay ng Office of the Ombudsman si GSIS President Jose Arnulfo “Wick” Veloso at anim na iba pang opisyal sa ilalim ng preventive suspension ‘without pay’ ng anim na buwan sa gitna ng imbestigasyon sa P1.4 billion deal sa Alternergy.
Sa isang kautusan, may petsang July 11, sinabi ng Ombudsman na Ayon sa Ombudsman, may nakitang sapat na basehan para suspendihin si Veloso at anim pang opisyal ng GSIS sa posibleng grave misconduct, gross neglect of duty, at violation of reasonable office rules and regulations dahil sa pagbili sa stock mula sa AlterEnergy Holdings Corporation na nakakahalaga ng P1.4 bilyon.
Sinabi naman ni Veloso, na makikipagtulungan ito sa ginagawang imbestigasyon ng Ombudsman sa ginawang investment ng GSIS sa Alternergy. ( Daris Jose)