• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:48 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, hawak na ng otoridad

ARESTADO na ang tatlong suspek sa pagdukot at pagpatay kay Anson Que, isang Filipino-Chinese na negosyante, at sa kanyang driver.nnSumuko sa pulisya ang itinuturong mastermind na si David Tan Liao matapos maaresto ang dalawa niyang kasabwat, sina Richardo Austria David na kilala rin bilang Richard Tan Garcia, at Raymart Catequista sa Roxas, Palawan noong Abril 18, 2025, alas-3 ng madaling araw.nnAyon kay PNP Spokesperson P/B/Gen. Jean Fajardo, ang krimen ay planado na simula pa noong Enero.nnAng tatlong suspek ay sinampahan ng kasong kidnap for ransom with homicide.nnHindi pa matukoy kung may kinalaman ang insidente sa POGO operations, ayon sa mga imbestigador.nnPatuloy na iniimbestigahan ng PNP ang iba pang posibleng motibo sa krimen.nnAng pagkakaaresto sa mga suspek ay pinaniniwalaang mahalagang hakbang sa paghahanap ng hustisya para sa mga biktima.