• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suportahan ang local films, TV… PBBM sa publiko, panoorin ang ‘Tara, Nood Tayo!’ infomercial

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na tanggapin ang local films at television bilang bahagi ng nation-building, habang pinangunahan ng Chief Executive ang paglulunsad ng Responsableng Panonood Tungo sa Bagong Pilipinas (RP2BP) campaign’s infomercial, “Tara, Nood Tayo!”
Kasama si Unang Ginang Liza Araneta-Marcos at mga miyembro ng First Family, sinabi ng Pangulo na binigyang diin ng kampanya ang suporta ng gobyerno para sa creative sector bilang ‘vital driver’ ng ‘cultural identity, economic growth, at national pride.’
“Kasama ang pribadong sektor, kaisa ninyo ako, ang aking pamilya at ang ating pamahalaan sa pagtangkilik sa pelikulang Pilipino at mga programang pangtelebisyon, dahil ang bagong Pilipino ay ipinagmamalaki ang kwentong Pilipino,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa four-minute-long infomercial.
Ang Unang Ginang, isang long-time advocate ng sining at media, muling inulit ang panawagan, binigyang diin ang kahalagahan na pangalagaan ang culture of support para sa mga homegrown content sa hanay ng pamilyang Filipino.
Ang “Tara, Nood Tayo!” infomercial ay bahagi ng isinusulong ng administrasyong Marcos para i-promote ang responsableng mga gawi habang hinihikayat ang audiences o ang madla na pumili ng pelikulang Filipino, mga palabas at creative content. Ipagbunyi ang talento ng mga Filipino artists, producers, directors, cinema operators, at distributors.
Ang inisyatiba ay pinangunahan ni Movie and Television Review and Classification Board under Chairperson at CEO Lala Sotto, sa pakikipagtulungan sa Presidential Communications Office, Office of the Executive Secretary at Philippine Information Agency.
Pinasalamatan naman ni Sotto ang Pangulo at ang Unang Ginang para sa kanilang “unwavering support,” sabay sabing ang kampanya ay sumasalamin sa “a shared vision to uplift the Filipino creative industry while instilling a culture of responsible and informed viewing.”
Kabilang naman sa top networks ang ABS-CBN, GMA Network, TV5, at AMBS-ALLTV na sumusuporta sa kampanya, nangako na pangangalagaan ang Filipino storytelling at ‘cultural at historical value’ ng Philippine cinema.
Samantala, ang infomercial ay ipalalabas sa buong bansa sa pamamagitan ng ‘traditional at digital platforms,’ na may espesyal na pagtuon na maabot ang mas batang madla, na may mahalagang papel sa paglago ng media at entertainment industries sa bansa. ( Daris Jose)