• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suportado ang pagbabalik-serye ni Jessy:  LUIS, ‘di ipagkakait kay PEANUT kung gusto ring mag-artista

DUMALO ang hubby ni Jessy Mendiola-Manzano na si Luis Manzano bilang suporta sa nakaraang special screening at mediacon ng upcoming TV series na ‘Sins of the Father’ na ginanap sa Gateway Cinema 11, Gateway Mall 2.
Mapapanood na ang serye simula sa June 23 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, iWant at TFC at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment handog ng JRB Creative Production mula sa direksyon nina FM Reyes at Bjoy Balagtas.
Ang saya-saya ni Luis dahil finally ay balik-telebisyon na ang kanyang wifey pagkalipas ng anim na taon.
Sa ambush interview kay Luis ng ilang miyembro ng print media, “Bago ito gawin ni How-How (term of endearment niya kay Jessy) sobrang happy siya sa mg eksena na very different sa nakasanayan natin kaya excited ako sa mapapanood natin.”
Dagdag pa, “bago pa ang kampanya (sa nakaraang eleksyon) ay nasimulan na niya (Jessy) ito (Sins of the Father) kaya kung napapansin ninyo, minsan wala siya (motorcade) sa umaga kasi galing siyang taping at pinagpapahinga ko siya at sa gabi ko siya isinasama.”
Limang beses na ipinakita si Jessy sa ‘Sins of the Father’ ay curious ang lahat kung ano talaga ang karakter ng aktres dahil sa pagkaka-intindi namin ay ‘stalker’ siya ni Gerald Anderson.
At may pagka-Marites pa dahil gusto nitong malaman ang private conversation ng aktor sa amang si John Arcilla.
Pero ang nakatataka ay asawa pala ni Jessy si RK Bagatsing na isang pulis at galit na galit kay Gerald dahil naka-engkuwentro niya ito ng hulihin niya sa paga-akalang pinatay nito ang kanyang amang si John.
Going back to Luis ay masaya rin niyang ibinalita na may product endorsement ang kanyang mg-inang Jessy at Peanut na abangan daw kung ano ito.
Natanong din ang si Luis kung sakaling may offer na project para sa kanya at sa mag-ina niya kasama ang mommy niyang si Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
“Well, dati napag-usapan way back siguro mga 2-3 years ago na hindi nag-materialize at okay kung i-alok ulit.
“Nami-miss ko ang Home Sweety Home kasama si Vhong (Navarro), si Toni (Gonzaga-Soriano), si Cathy (Alex Gonzaga-Morada), si kuya Bayani (Agbayani).  Nami-miss ko nang umarte lalo nap ag sitcom,” say ni Luis.
Hindi rin daw ipagkakait ni Luis kay Peanut kung sakaling i-offer sa kanya ang pelikulang ‘Trudis Liit’ na ginampanan ng mommy Vilma niya noong 1963 na ginawan ng remake ng GMA 7 bilang TV series noong 2010 na pinagbidahan ni Jillian Ward.
Ayon kay Luis, “hindi ko ipagkakait sa kanya (Peanut) ‘yun kung saka-sakaling gusto niyang pasukin ang pag-arte kagaya ng ginawa sa akin ng pamilya ko na school first.
“Pero ayoko rin namang may question siya na ‘ano kaya ang feeling ng artista?  Performer siya (Peanut) hindi ko alam kung namana niya ag boses ko (biro ng proud dad) pero lahat ng naririnig.
“At napapanood niya ginagaya niya at ginagamit niyang mic ‘yung mga make-up brush ni How-How at gusto niya pinapanood siya at pagkatapos niyang kumanta, sasabin niya, ‘everybody clap.'”
(REGGEE BONOAN)