• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 2:14 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suplay ng pagkain sa bansa, kaya pang tumagal ng tatlong buwan- Malakanyang

SINIGURO ng Malakanyang na aabot pa ng tatlong buwan ang  food suppy ng bansa hanggang sa gitna ng naging pinsala ng mga nagdaang bagyo na sumira sa maraming sinasakang lupain.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nasa 90 araw ang kayang itagal pa ng supply na pagkain as of November 12.

 

Ayon kay Sec. Roque, lalabas na aabot pa ng 88 araw ang food stock ng bansa at kaya pang tumagal ng halos tatlong buwan pa.

 

Mabuti na lang din ani Sec. Roque  ay nakapag-ani na kahit paano ang mga magsasaka bago pa humagupit ang bagyo.

 

“Sapat-sapat naman po ang ating pagkain. Sa ating bigas, mayroon pa po tayong 90 days supply, at iyong nawala po sa atin ay six days lamang. Kahit papaano pampalubag loob po noong dumating po iyong mga malalakas na bagyo, tayo po ay naka-ani na so hindi po masyadong naapektuhan iyong ating pag-ani bagama’t ngayon ay kinakailangan magtanim uli ang ating mga magsasaka,” anito.

 

Kaya nga, kahit may nakaamba aniya pang mga bagyo na dumating base na rin sa forecast ng PAG- ASA ay paniguradong may aasahang pagkain para sa mga Pilipino ng hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.