• February 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suot ang promise ring na bigay ng mystery guy… SANYA, may boyfriend na at nakilala na nina GLAIZA, KYLIE at GABBI

PUMAPAG-IBIG na rin ang self-confessed NBSB (No Boyfriend Since Birth) na si Sanya Lopez.
May suot daw kasing promise ring ito na regalo ng isang “mystery guy” na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso. Inamin ng Kapuso star na isang foreigner ito.
Ayon kay Sanya, masaya ang lovelife niya ngayon at naipakilala na niya ang afam boyfriend sa mga kaibigan niyang sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia.
Mas masaya raw ang mga ito noong magkaroon na siya ng lovelife.
“Sila ‘yung number one na excited talaga sa akin bago pa mangyari ang lahat… sa mga bagay-bagay na paparating sa buhay natin. So, may gano’n sila lagi na, ‘Uy, kapag meron ka na, ipakilala mo agad sa amin na,’” sey ni Sanya.
Ipapakilala raw ni Sanya ang kanyang boyfriend sa publiko soon.
Ayon sa isang source, naka-base sa Dubai at Serbian ang nationality ng bf ni Sanya.
“Kapag dumating ‘yung panahon na hindi maiwasan siguro, sige, puwede naman,” sabi pa niya.
***
NAGKUWENTO si Ashley Ortega na ayaw ng boyfriend niyang si Mavy Legaspi na tawagin itong “baby boy”.
Two years lang daw ang tanda ni Ashley (27) kay Mavy (25). Pero nagulat si Ashley noong niligawan daw siya nito.
“Mavy is something new. Kasi mas bata siya sa akin. Nililigawan niya ako, sinasabi ko talaga, ‘Oh my God, baby boy lang tingin ko sa’yo.’ Nagagalit siya, ‘Oh my gosh. How dare you say that to me?’” natatawang kuwento ni Ashley.
Natuklasan ng bida ng upcoming Kapuso teleserye na ‘Apoy Sa Dugo’ na sobrang maalaga si Mavy.
“‘Pag mas younger pala, mas maalaga. Si Mavi, tutok talaga sa akin 24/7.”
***
NA-RELEASE na ang official music video ng bagong single ni Taylor Swift na ‘Opalite’ last Feb. 6. exclusively on Spotify and Apple Music.
Star-studded ang naturang music video na may ‘90s theme at tampok sina Domhnall Gleeson, Cillian Murphy, Greta Lee, Jodie Turner-Smith, Lewis Capaldi, and Graham Norton.
Si Taylor ang nag-concept ng music video na hango sa October 2025 appearance niya sa The Graham Norton Show.
Ayon kay Taylor: “Opalite is a state-of-the-art chemical potion designed to transform disappointment and frustration in relationships into happiness. I had written down the word ‘opalite’ because I learned that it’s actually a man-made opal. I thought it was kind of a cool metaphor that it’s a man-made opal, and happiness can also be man-made.”
Ang gem stone na Opal ay birthstone din ng kanyang fiance na si Travis Kelce.

(RUEL J. MENDOZA)