• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:08 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Suot ang kanilang signature bathrobes: MICHELLE at ANNTONIA, muling napapanood sa kanilang Bathroom TikToks

NAGBABALIK ang Miss Universe 2023 duo nina Michelle Dee at Anntonia Porsild na #PorDee.
Muling mapapanood ang pagbida nina Michelle at Anntonia sa ilang TikTok videos, suot ang kanilang signature bathrobes at nasa loob ng banyo, katulad ng mga dati nilang entries sa platform.
“Bathroom TikToks are back, baby! Michelle is way too cool for me,” sulat ni Anntonia sa caption ng kaniyang video.
Sa ngayon ay may tatlong videos na na-post ang dating Miss Universe 2023 beauty queens. Dalawa sa TikTok account ni Michelle, at isa naman sa account ni Anntonia.
Ginawa nila ang “Pogi” craze, at dalawang dance challenges sa pagbabalik ng kanilang Bathroom TikToks.
Unang nakilala ang #PorDee duo nila noong makabuo ng close bond at friendship sina Michelle at Anntonia nang lumaban sila para sa korona ng Miss Universe 2023. Nagtapos ang Kapuso star sa Top 10, samantalang ang Thai model naman ang nakakuha ng first runner-up.
Sa isang panayam kay Anntonia, pinasalamatan pa niya ang Sparkle star para sa amazing friendship na nabuo nila.
“This bond that we’ve created that has united not only the fans around the world, but the Filipino and Thai fans instead of fighting each other,” sabi ni Anntonia.
Lalo pang ikinatuwa ng fans nang magbahagi si Michelle ng ilang litrato nila ni Anntonia sa kaniyang Instagram account.
Kamakailan lang ay muling nagkita sina Michelle at Anntonia sa isang event ng designer na si Mark Bumgarner. Nandoon din ang kapwa aktres niya na si Kylie Verzosa, dating beauty queen Pia Jauncy, Thai actress-model Davika Hoorne, at celebrity photographer na si Mike Gella.
(RUEL J. MENDOZA)