Sunog, sumiklab sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador
- Published on August 1, 2022
- by @peoplesbalita
KONTROLADO na raw ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na sumiklab sa Commission on Elections (Comelec) office sa Palacio del Gobernador, Intramuros Manila.
Base sa report ng BFP-National Capital Region (NCR) Public Information Office, nagsimula ang sunog sa ika-pitong palapag ng naturang gusali.
Itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-6:53 ng gabi ang umabot sa second alarm dakong alas-7:02 ng gabi.
Sinabi naman ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na ligtas ang lahat ng personnel at duty staff na nasa gusali.
Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng sunog. (Gene Adsuara)