Sumbong sa Pangulo, nakapagtala na ng 1K reports simula ng ilunsad
- Published on August 16, 2025
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTALA na ng mahigit sa 1,000 reports ang sumbongsapangulo.ph website simula ng ilunsad ito ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. , araw ng Lunes.
“As of August 11 to 13, 2025, may 84,892 total views, may 1,148 reports, at may 823 feedbacks,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
Hindi naman idinetalye ni Castro ang mga report o sumbong mula sa publiko.
Kamakailan ay pormal na inilunsad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘Sumbong sa Pangulo’ o sumbongsapangulo.ph, isang online platform na magbibigay sa publiko ng access sa impormasyon tungkol sa mga flood control project sa buong bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, matagal na rin umanong ginagawa ang naturang website at kahit nasa India siya ay tinatrabaho ito ng pamahalaan.
“(We) put it into a form that is accessible to the public, and most importantly, it is in a form that the public can use so that they can first identify the flood control projects that are within their area,” anang Pangulo.
Dagdag pa niya, maaari ding mag-ulat ng mga iregularidad ang publiko tungkol sa mga proyekto sa kanilang lugar at mapapadali ang paghahanap dito sa pamamagitan ng interactive map feature.
“If they already have information, they can tell us about it. Kung maganda ang naging project, kung hindi naging maganda ‘yung project, anong naging problema,” lahad nito.
Binigyang-diin din ni Pangulong Marcos na mahalaga ang partisipasyon ng mga Pilipino sa pagtukoy ng mga anomalya at sa pagpapatupad ng transparency sa P545 bilyong flood control program.
“Of course, we want the people who have taken advantage of the system to pay… And if there is evidence of corruption, of embezzlement, of any kind of wrongdoing, that’s when we will move,” aniya.
“We cannot do all of this without the help of the ordinary citizen,” dagdag pa ni Pangulong Marcos. ( Daris Jose)