Sumama ang loob sa kaibigan at kumpare: MARC, nag-testify laban kay MAGGIE para mailayo ang anak
- Published on January 22, 2025
- by Peoples Balita
BIGLANG nag-trend sa social media ang model-TV host na si Marc Nelson dahil nadawit ito sa gulo ng dating mag-asawang Maggie Wilson at Victor Consunji.
Ayon kay Maggie, nag-testify si Marc “against her” in favor of Victor para mailayo sa kanya ang anak nito.
Sumama ang loob ni Maggie dahil kahit magkaibigan sila ni Marc at ninong ito ng kanyang anak, mas kumampi ito kay Victor na mas matagal na friend ni Marc.
Binash tuloy si Marc sa social media at ang comments sa kanya ay “pakialamero”, “ultimate betrayal”, “sawsawero”, “desperate” at “disgusting”.
Sana raw ay hindi na ito nag-testify para din siya nadamay sa gulo ng dating mag-asawa.
May mga Gen Zs na nagtatanong kung sino si Marc Nelson?
Dating ramp model noong ‘90s si Marc na isang Australian-Burmese at nakilala siya dahil sa 1997 music video ni Jaya na ‘Wala Na Bang Pag-ibig.’
Kinuha si Marc bilang isa sa co-hosts ni Charlene Gonzalez sa dance show na ‘Keep On Dancing’ in 1998.
Naging girlfriend ni Marc sa showbiz noon ay ang dating sexy actress na si Patricia Javier.
Isang pelikula lang ang ginawa ni Marc at ito ay ang ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’ (2000)
Isa si Marc sa unang hunks na naging endorser/models sa unang Bench Body underwear fashion show in 2006.
Naging host si Marc ng ilang sports shows tulad ng ‘Sports Unlimited, The Duke’ at ‘Dare Duo’. Nagsama sila ni Maggie sa lifestyle show na Beached.
Naging contestant si Marc ng ‘Amazing Race Asia 2’ in 2007 with Rovilson Fernandez kunsaan nag-second place sila. Kinuha naman silang hosts ng kauna-unahang ‘Asia’s Got Talent’ in 2015.
***
KAHIT isang successful actor na si Ruru Madrid sa TV at pelikula, hindi pa rin daw nawawala ang kaba sa katawan niya.
“‘Yung pressure kasi, hindi naman nawawala in every project na gagawin natin. For me, ‘yun ‘yung gusto ko laging pakiramdam. Hindi pressure sa kumpetisyon or kung ano man, kumbaga, pressure na makagawa ka ng isang programang tatatak sa puso ng sambayanang Pilipino.
“‘Yun ‘yun lagi kong gustong pakiramdam dahil ayoko rin na makampante ka, hindi mo na pag-iigihan ‘yung mga ginagawa mo. Dapat laging kasama ‘yun sa bawat proyektong gagawin natin,” pahayag ni Ruru sa media conference para sa second season ng ‘Lolong: Bayani Ng Bayan.’
New learning experience daw para sa award-winning Sparkle actor ang pagsalang ulit sa taping ng teleserye na nagbago sa buhay niya.
“Ang pinaka natutunan ko dito, hindi lang sa pagiging isang aktor na gumaganap bilang si Lolong, kundi bilang isang tao– hindi mo kailangan magkaroon ng super powers para maging isa kang bayani.
“Basta nakakatulong ka sa iyong kapwa, sa iyong pamilya, nakakapagbigay ka ng inspirasyon sa maraming mga tao, bayani ka na. ‘Yun ‘yung dadalhin ko habang buhay sa paggawa nitong programang ‘to.“
***
KAHIT nawalan ng tahanan dahil sa wildfire, nanguna si Paris Hilton na magtatag ng emergency relief fund para mga nasunugan at nakalikom na ito ng $800,000 in 72 hours.
Pinamahagi na ni Paris ang $150,000 sa GoFundMe’s Wildfire Relief Fund for cash assistance, short-term housing, and delivering essentials and supplies to evacuation centers.
“Hundreds of families will receive this assistance immediately ensuring they can address their needs and begin to rebuild their lives today. My heart is with everyone affected by this devastating situation,
Media Impact will continue to show up. As a mom, I can’t imagine the unimaginable pain of not having a safe place for your babies, wondering how you’ll make it through so I am mobilizing to support families in need. One of my amazing partners, @Hilton, is donating 20,000 hotel room nights to help displaced families in need! Knowing these families will have a safe, welcoming place during this devastating time means everything,” paniguro pa ng hotel heiress.
At bilang animal lover din si Paris, namahagi rin ito ng funds to helping the animals na nasa custody ng LA Equestrian Center, Compton Cowboys and Pasadena Humane Society.
(RUEL J. MENDOZA)