• June 1, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SUE, handang-handa nang magka-baby kay DOMINIC na super love niya

NATANONG si Sue Ramirez sa grand mediacon ng “Project Baby” na hatid ng Regal Entertainment na mula sa direksyon ni Eric Quizon, kung ready na ba siyang magpabuntis at magka-baby tulad ng karakter niya sa movie.

“Why not? Sana. Kung maibibigay, di ba?, ” sagot ng mahusay na aktres. 

Game din siyang magpabuntis sa boyfriend na si Dominic Roque. 

“I think Dominic will be a very, very good father in the future, if he does want to have kids,” sagot ng leading lady ni Rico Blanco sa movie. 

Aminado naman na maswerte raw talaga niya na si Dominic ang boyfriend niya, “Grabe kung kilala niyo lang talaga sino si Dom, napakabuti, napakabait, napaka-family-oriented, god-fearing, I think sobrang perfect. 

“Lagi kong sinasabi sa posts ko, ang swerte ko talaga. Yun talaga napi-feel ko. Nag-thank you ako kay Lord. 

“Minsan pag tinitingnan ko siya, napapa thank you Lord ako. Hindi ko in-expect at almost 30 makakahanap pa ako ng sobrang bait,” sambit pa niya. 

Sa July 20, trentahin na pala si Sue at feeling niya ay ready na siyang magka-baby dahil matagal na niyang gustong maging ina.

“Matagal ko na siyang gustong mangyari for me. Kapag tinatanong ako, ano bang gusto ko pang mangyari? Sabi ko, parang nagawa ko na lahat. Ang dami ko nang nagawa.

“Pero gusto kong maging nanay. Gusto kong maging nanay na katulad ng nanay ko. Yun ang lagi kong sinasabi,” pag-amin pa ni Sue.

Pagdating sa pagbubuntis may pressure na, siyang nararamdaman dahil sa kanyang edad.

“Yun nga, inevitable yung ticking timebomb ng pagiging isang babae.

“Kailangan na siya ng kilos at galaw soon kung gusto nating may mangyari at may mabuong bata. Pero right now, I am still busy working. Pero kung ibibigay sa akin, why not?” lahad pa ni Sue. 

Kasama rin nina Sue at Rico sa “Project Baby” sina Matt Lozano, Arra San Agustin, Yasser Marta, Alex Calleja, Kimson Tan, Christian Ty, Charuth, Drei Arias, Jonathan Perez, Jazzil Sarinas, at Alice Dixson.

Showing na ang romcom movie sa mga sinehan sa June 10, na special discounted price para mas marami ang makapanood.

(ROHN ROMULO)