Successful and first back-to-back Canada tour… Supporters ng Sparkle loveteams, ‘di binigo dahil sa all-out performances
- Published on April 11, 2024
- by @peoplesbalita
HUGE success ang first back-to-back Canada tour ng Sparkle artists noong nakaraang April 5 and 7.Pinakita ng Global Pinoys ang kanilang mainit at umaapaw na pagmamahal at suporta sa Sparkle’s best na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, Barbie Forteza at David Licauco, at Bianca Umali at Ruru Madrid.
Matapos ang successful first leg nila sa Calgary, mga Global Pinoy naman sa Toronto ang sunod na pinasaya ng Sparkle’s best kasama ang resident Kapuso entertainer na si Boobay para sa last leg ng #SparkleGoesToCanada.
Sa mga na-upload na photos at videos sa iba’t ibang social media platforms, makikita kung gaano kainit ang naging pagtanggap sa mga Sparkle loveteams na JulieVer (Julie Anne and Rayver), BarDa (Barbie and David) at RuCa (Ruru at Bianca).
Hindi nga nabigo ang supporters nila dahil all-out ang naging performance ng tatlong loveteams para sa lahat ng mga nanood sa kanila.
Tuwang-tuwa ang ating mga Kapuso sa Canada sa energy-filled performance nila Julie at Rayver. Mapa-fast dance number or sweet duet, naihatid ng JulieVer ang hiling ng kanilang fans.
Astig ang production number ni Black Rider star Ruru at nagsanib ang prod number nila ng bida ng Encantadia Chronicles: Sang’gre na si Bianca na nagpakilig sa mga RuCa fans.
Kung super-bubbly ang performance ni-Barbie, medyo seryoso naman sa kanyang song number ang Pulang Araw co-star niyang si David. Pero kinilig ang BarDa fans nang mag-duet na ang dalawa onstage.
Nagkaroon din ng Trip to Jerusalem game ang tatlong loveteams kasama ang ilang members ng audience.
Bago matapos ang gabi, nag-final duet ang JulieVer, BarDa at RuCa para sa Global Pinoys.
Full support naman ang director nilang si Mr. Johhny Manahan o Mr. Mna siyang gumabay sa mga Sparkle artists sa back-to-back shows nila sa Canada.
Kasama rin nila sa tour bilang support sina GMA Senior Vice President Atty. Annette Gozon Valdez at Sparkle Vice President Ms. Joy Marcelo. Sila rin ang nanguna sa prayer para sa success ng kanilang tour.
(RUEL J. MENDOZA)