• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

State visit ni PBBM, wala pang iskedyul- Malakanyang

HANGGANG ngayon ay wala pang ipinalalabas na iskedyul  ang Office of President (OP) hinggil sa state visit ngayong taon  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang katuwiran Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Trixie Cruz, prayoridad ni Pangulong Marcos ang isapinal ang listahan ng mga miyembro ng kanyang gabinete.

 

 

“The President has not announced any state visits. As of now, he is busy building up the Cabinet. So, we will have to wait for an announcement if there is indeed such a thing,”ayon kay Sec. Angeles.

 

 

At sa tanong kung tinanggap ni Pangulong Marcos ang imbitasyon sa  kanya ni United States President Joe Biden na bumisita sa Washington, sinabi ni Sec. Angeles “Let’s wait for Malacañang to formally acknowledge it and then we will probably make the announcement with regard to whether or not it’s going to happen.”

 

 

Sa ulat, kinumpirma ni Philippine Ambassador to United States Babe Romualdez na inimbitahan ni US President Biden si Pangulong Marcos na bumisita sa Amerika.

 

 

Ito ay kahit na mayroong standing contempt order si marcos na makatuntong sa United States dahil sa ilang mga kaso.

 

 

Sa isang panayam, sinabi ng envoy na nang bumsita ang delegasyon ng Amerika sa inagurasyon ni Marcos kamakalawa, ipinaabot umano ni US 2nd Gentleman Douglas Emhoff ang isang liham mula kay Biden.

 

 

Nilalaman nito ang pagbati sa bagong pangulo ng Pilipinas, at ang personal na imbitasyon nito.

 

 

Inimbitahan si Marcos ni Biden na makausap sa isang phone call, at kung magtutugma na ang schedule nila ay inanyayaan itong pumunta sa Washington.

 

 

Muli namang nilinaw ni Romualdez na mayroong diplomatic immunity si Marcos.

 

 

Dahil dito, papayagan umanong makatuntong ng Amerika si Marcos at ang pamilya nito. (Daris Jose)