Standing ng Pilipinas sa buong mundo ukol sa usapin ng case fatality rate dahil sa COVID-19, tumaas
- Published on February 24, 2021
- by @peoplesbalita
TUMAAS ang standing ng Pilipinas sa ranking ng World Health Organization at Johns Hopkins kung pag- uusapan ay case fatality rate.
Sa isinagawang presentasyon ni Presidential spokesperson Harry Roque ay makikitang umangat sa 2.2 ang case fatality ng bansa.
Ani Sec. Roque, mula 67 ay nasa 60 na ngayon ang puwesto ng Pilipinas kung bilang ng mga namamatay sa bansa dahil sa COVID ang pinag- uusapan.
Bumaba naman aniya ang puwesto ng Pilipinas kung ang pag- uusapan ay pinakamaraming bilang ng kaso ng corona virus sa buong mundo.
Mula sa 41 ay nasa number 45 spot aniya ngayon ang Pilipinas.
“Sa COVID update naman po tayo, ito ang world rankings by country ayon sa World Health Organization at Johns Hopkins as of February 22, 2021: Total cases na 561,169, Number 31 pa rin po ang Pilipinas sa mundo. Sa active cases na 26,238, Number 45 po ang Pilipinas sa buong mundo – bumaba po tayo from Number 41, Number 45 na po tayo.
SA COVID cases naman per one million population, mayroon po tayong 510.39, Number 135 po tayo – hindi po gumalaw. Pero sa case fatality rate po ‘no, medyo tumaas po ang ating case fatality rate, naging 2.2 at naging Number 60 tayo from Number 67,” ang pahayag ni Sec. Roque.