SSS, planong magpataw ng interest rate cuts para sa salary, calamity loansSSS, planong magpataw ng interest rate cuts para sa salary, calamity loans
- Published on February 18, 2025
- by Peoples Balita
PLANO ng Social Security System (SSS) na tapyasan ngayong taon ang interest rate sa salary at calamity loans.
Sinabi ni SSS president at CEO Robert Joseph De Claro na ang rate cut ay isa sa tatlong pangunahing plano na nakatakdang ipatupad ngayong 2025 para gawing mas mahusay ang serbisyo.
Hindi naman nito binanggit kung magkano ang tatapyasin, subalit ang pondo na kasalukuyan ngayong sinisingil ay may interest rate na 10 percent per annum para sa salary at calamity loans.
Ani De Claro, ang mas mababang borrowing costs ay matatranslate sa mas malaking loan proceeds at ang pondo ay mayroong sapat na fiscal space para tapyasan ang lending rate sa gitna ng malakas na income o kita mula sa investments nito.
“Given the consistent, solid performance of SSS’ investment portfolio, it is now timely to revisit the interest rate of our salary and calamity loan programs,” ang sinabi ni De Claro.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11199, o Social Security Act of 2018, ang SSS ay maaaring mag-invest ng hanggang 15% ng investment reserve fund nito sa asset classes gaya ng bonds at stocks.
Sinabi ng SSS na ang taun-taon na return on investment (ROI) mula 2021 hanggang 2024 sa umabot sa pagitan ng 5.8 hanggang 6.6%, mahusay at maayos na gumanap kahit pa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Inaasahan din ng SSS ang karagdagang koleksyon mula 1-percent contribution rate hike ngayong taon, at maging sa tumaas na minimum at maximum monthly salary credit.
Nauna rito, sinabi ng SSS na ang mga adjustments a magreresulta ng karagdagang koleksyon ng P51.5 billion noong 2025, na makatutulong na suportahan ang lending programs nito para sa mga miyembro.
Makikita sa pigura na nagpalabas ang SSS ng P9.7 billion na calamity loans sa mahigit na 500,000 disaster-stricken members noong 2024. Hanggang sa ngayon naman ay hindi pa naire-report ng SSS ang halaga ng salary loans na naipalabas nito noong nakaraang taon.
Samantala, maliban sa rate cut, sinabi ni De Claro na nirerepasong mabuti ng SSS ang guidelines nito sa Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) program, nire-require ang ilang pensioners na mag-report sa SSS kada taon upang matiyak na patuloy ang pagbabayad ng monthly benefits ang mga ito.
Pinag-aralan din aniyang mabuti ng SSS ang lahat ng paraan para makasunod sa ACOP kabilang na ang ‘home visit’ ng itinalagang SSS branch o office personnel.
“SSS would also pursue “better collection compliance” from other groups of workers, particularly self-employed professionals like accountants, doctors and engineers,” ang sinabi ni De Claro.