• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 9:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SSS pensioners ‘di na kailangang magpakita para sa annual confirmation

HINDI  na kailangang magpakita pa sa alinmang sangay ng Social Security System (SSS) ang mga pensioners na nasa bansa para sa  Annual Confirmation of Pensioners (ACOP).

 

 

Ang Acop ay requirement ng SSS para ma- update ang rekord ng mga pensionado para sa pagtanggap ng kanilang  pension kada taon.

 

 

Nilinaw naman ng SSS na kung ang pensioners ay nasa  abroad,  kailangan itong  magpakita sa SSS sa pamamagitan ng video conferencing o magsumite ng requirements sa pamamagitan ng email .

 

 

Ganito rin ang gagawin ng mga disability persioner at survivorship pensioner.

 

 

Itinakda naman ng SSS  ang deadline ng pagfile ng ACOP hanggang Marso 31 ngayong taon.

 

 

Na-extend naman ng SSS  hanggang sa buwan ng  Mayo ang loan condonation para sa mga miyembrong may na expired na   short-term  housing loan.

 

 

Ayon sa SSS, kailangang samantalahin na ng mga miyembro ang condonation para matanggal ang penalty ng utang.