• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:58 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Squid tactics” ni VP Sara tinuligsa ng mga mambabatas 

TINULIGSA nina House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at ACT Teachers Party-list Rep.-elect Antonio Tinio si Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong paggamit ng “squid tactics” para maiwasan ang pananagutan sa kasong impeachment kasunod na rin sa paghahain nito ng Answer Ad Cautelam para ipabasura ang pagdinig.
Kinondena rin ni Castro ang pinakabagong pagmamaniobrang legal ng VP na isang pagtatangka umano para matakasan ang pagbusisi sa mga seryosong alegasyon laban kay Duterte.
“Hanggang ngayon, asal pusit pa rin si VP Sara Duterte. Instead of directly addressing the serious charges against her, she continues to hide behind technicalities and procedural arguments. This is a clear pattern of evasion and refusal to be held accountable for her actions,” pahayag ni Castro.
Karapatan aniya ng sambayanang Pilipino na malaman ang katotohanan at hindi mga legal gymnastics.
Dapat harapin ni VP Duterte ang impeachment court ng may katapangan at transparency, at hindi mga mga pamamaraan upang maiwasan ang pananagutan.
Naniniwlaa naman si Tinio na ang naging tugon nin Duterte ay nagpapakita ng kawalan nito ng kahandaan para harapin ang mga isyung nakapaloob sa rekalmo.
“Ang ginagawa ni VP Duterte ay typical ng mga pulitikong takot managot sa kanilang mga kasalanan. She’s using every legal trick in the book to avoid facing the music. This Answer Ad Cautelam is just another smokescreen to deflect from the real issues,” sabi ni Tinio.
Ayon pa sa mambabatas, hindi makakatakas sa pananagutan ang bise presidente sa pamamagitan ng teknikalidad.
“The impeachment process exists precisely to hold high officials accountable for their conduct in office, and no amount of legal maneuvering can change that fundamental principle,” patuloy niyo.
Iginiit naman ni Castro na ang argumento ni Duterte na one-year ban rule ay isang desperado umanong pagtatangka para takasan ang kahihinatnan ng kanyang kontrobersiyal na mga aksyon at pahayag.
“VP Duterte’s claim that the impeachment violates the one-year bar rule is legally baseless and procedurally flawed. The House has already certified that the proceedings fully comply with Constitutional requirements. Her lawyers are simply grasping at straws. Nakakahiya na ang Vice President ng bansa ay gumagamit ng mga dahilan na walang basehan para lang makaiwas sa pagharap sa katotohanan. Hindi marathon ang impeachment na pwedeng takbuhan ng takbuhan. The people expect better from their elected officials,” dagdag ni Castro.
Sinabi naman ni Tinio na sa patuloy na paggamit ng squid tactics, ay ipinapakita ni VP Duterte ang kanya umanong hindi pagrespeto sa impeachment process maging sa sambayanang Pilipino na nanghihingi ng transparency at accountability mula sa kanilang mga pinuno.
(Vina de Guzman)