• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Spurs star Wembanyama nagtala ng record sa NBA

NAGTALA ng record sa kasaysayan ng NBA si San Antonio Spurs star Victor Wembanyama.

 

 

Siya lamang kasi ang pang-apat na pinakabatang manlalaro ng NBA na nagtala ng 50 points sa isang laro.

 

 

Naitala nito ang nasabing puntos sa panalo ng Spurs kontra Washington Wizards 139-130.

 

 

Sa edad nitong 20-anyos at 314 na araw ay kasali na siya sa listahan na unang naitala nina Devin Booker, LeBron James at Brandon Jennings.