Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ikinalugod ang ginawang pagkilala ng Google Maps sa of the West Philippine Sea
- Published on April 16, 2025
- by @peoplesbalita
IKINALUGOD ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ginawang pagkilala ng Google Maps sa of the West Philippine Sea label, na tinawag nitong isang ‘strong affirmation’ sa sovereign rights ng Pilipinas at lumalaking global support sa maritime claims ng bansa dito. “The proper and consistent labeling of the West Philippine Sea on the widely used platform Google Maps is welcome news for every Filipino. This simple yet powerful update reflects the growing global acknowledgment of the Philippines’ sovereign rights over the maritime areas within our Exclusive Economic Zone (EEZ),” ani Romualdez. Sinabi pa ng Speaker na ang ginawang pagkilala ay lumilinya sa matagal ng posisyon ng Pilipinas matapos ang 2016 Hague ruling, na kumikilala sa legal claim ng bansa sa international law. “This reinforces what we have long asserted: that these waters are part of the Philippines’ territory, and all must respect our sovereign rights,” pahayag nito. Idinagdag ni Romualdez na ang ginawang recognition ay hindi lamang isang technical o cartographic correction kundi geopolitical milestone. Para sa karamihan ng sambayanang Pilipino, hindi lamang ito pangalan sa screen kundi sumisimbolo at moral victory, sa ipinaglalaban ng bansa. “Ang paglalagay ng West Philippine Sea sa pangunahing mapa ay isang makasaysayang pagkilala sa ating karapatan at soberanya. Ipinapakita nito na sa mata ng mundo, may saysay at bigat ang ating paninindigan—isang paninindigang nakaugat sa batas, katarungan, at pandaigdigang kaayusan,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)
https://dzar1026.ph/wp-content/uploads/2024/05/namataan-sa-eez.jpg