• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sotto sinimulan na ang NBAGL training

NAKASAMA na ni Kai Zachary Sotto at mga kakampi sa National Basketball Association Gatorade League (NBAGL)  Select Team para sa training camp sa nakatakdang magbukas sa taong ito na 19th NBA G League 2020-21 sa Amerika.

 

Ipinost ng 18-anyos, 7-2 ang taas na Pinoy cage phenom sa kanyang Instagram account na nasa Walnut Creek, California na siya noong Lunes. Gayundin ang mga teammate na sina Jalen Green, Jonathan Kuminga, Princepal Singh, Isaiah Todd, coach Brian Shaw,  assistant coach Rasheed Abdul-Rahman, video coordinator Jerry Woods, at athletic trainer Pete Youngman.

 

“Beginning of a new chapter that’s about to be legendary,” caption ng  tubong Las Piñas City sa isang litrato habang nakaupo.

 

Sa nakalipas na Marso pa dapat magbukas ang season ng USA developmental league, pero kinansela dahil sa COVID-19.

 

Inihayag muna ni Sotto sa Power and Play radio program ni dating Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Jose Emmanuel Eala na pangarap niyang mapabilang sa NBA All-Star Team at maging pinaktigasing sa manlalaro sa Asia.

 

“I envision myself to be an NBA All-Star. I would do everything I can to be an All-Star to prove that I am a great player and to represent Asia,” wika ng tinedyer na basketbolista .

 

Pinanapos niyang sinambit, “Five years from now, I want to be the best in Asia also – being a Pilipino – and represents the Philippines. That is the dream I have.” (REC)