• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 3:04 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Solon, hinimok ang DepEd na magtatag ng ethical AI guidelines para sa tech-driven learning

NANAWAGAN si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng ethical guidelines habang isinasama nito ang Artificial Intelligence (AI) at teknolohiya sa paghahatid ng edukasyon.
“We have to accept that AI is already part of our lives, so we must ensure it is utilized properly. While technology is an empowering tool for Filipino students, we also need to protect them from its potential risks,” ani mambabatas.
“I welcome the efforts of DepEd to utilize AI in its learning modalities and delivery. This is a much-needed step to modernize learning in our schools,” dagdag niya.
Binigyang-diin ng mambabatas ang kahalagahan ng mga alituntunin upang maprotektahan ang mga guro at mag-aaral mula sa hindi tumpak na impormasyon at potensyal na nakakapinsalang pakikipag-ugnayan.
“Marami ring nakababahalang aspeto ang teknolohiya, kaya mahalaga ang DepEd sa pag-siguro na matuturuan ang kabataang Pinoy ng tamang paggamit ng AI technology,” sabi niya.
“We don’t want these tech tools to hamper their development in any form or expose them to predatory online practices,” sabi pa niya.
Binigyang-diin din ni Tiangco ang pangangailangang magbigay ng tamang kaalaman sa mga tagapagturo kung paano pangasiwaan ang AI at mga kaugnay na teknolohiya.
“Pero syempre, kaakibat ng mga ganitong pagbabago ay ang pagsiguro na matuturuan din natin ang mga guro at estudyante ng tamang paggamit ng AI. Kasi kahit nandyan ang AI tools, kung hindi alam gamitin, masasayang lang din,” paliwanag ni Tiangco.
Hinikayat din ng solon ang DepEd na tiyakin na ang mga teknolohiyang AI na ipinakilala sa mga paaralan ay nagbibigay kapangyarihan sa mga mag-aaral at isulong ang pagpapaunlad ng sarili.
“If our public education system can successfully harness EdTech and integrate technology into our curriculum, I am certain we will produce globally-competitive graduates,” aniya. (Richard Mesa)