Solar energy units naipamahagi sa 257 pamilya sa bayan ng Rapu-Rapu, Albay
- Published on May 26, 2025
- by @peoplesbalita

“Sa proyektong ito, matatapos na ang paghihirap na nararamdaman ng mga kababayan natin at ang kadiliman sa kanilang lugar. Ang solar power ay nagbibigay hindi lang ng liwanag, kundi dignidad at pag-asa sa mga kababayang matagal nang namumuhay sa dilim tuwing gabi,” anang mambabatas.
Bawat kabahayan ay nakatanggap ng kumpletong Solar Home System na may kasamang solar panel, apat na bumbilya, charging port para sa cellphone, transistor radio, battery storage, at inverter.
May minimal na bayad na ₱7 kada araw para sa maintenance upang masigurong magpapatuloy ang serbisyo. Libre ang pagkakabit at kagamitan.
“Sa 12,000 solar units, 1,000 dito ay nakalaan para sa Albay. Sisiguraduhin natin na kahit ang pinakamalayong sitio ay magkakaroon ng ilaw at kuryente sa kanilang mga tahanan,” pahayag pa nito.
Samantala, sa Sitio Dinagsaan, Brgy. Hacienda, San Miguel Island sa Tabaco City, 50 pang kabahayan ang nakatanggap ng solar homes system units—patunay ng lawak ng saklaw ng programa at pagtutok sa inclusive development.
Itinutulak ni Pangulong Marcos ang 100% electrification sa pagtatapos ng kanyang termino, muling pinagtitibay ni Co at ng Ako Bicol Party-List ang kanilang paninindigan—na walang Pilipinong maiiwan sa pagsulong ng progreso at patas na akses sa enerhiya.
(Vina de Guzman)