• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 5:50 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sobrang excited at ramdam din ang pressure: JERICHO, opisyal ng pinangalanan bilang bida ng ‘Quezon’

OPISYAL nang inihayag ng TBA Studios noong Pebrero 18 na ang aktor na si Jericho Rosales ang gaganap bilang title role ng Philippine President na si Manuel L. Quezon sa biographical historical movie na “Quezon.”
Pangungunahan ni Rosales ang cast ng inaabangang biopic, na inaasahang susunod sa buhay ni Quezon, isang Pilipinong abogado, at sundalo na naging Pangulo ng Commonwealth of the Philippines mula 1935 hanggang 1944.
Ang “Quezon” ay magsisilbing pinakahihintay na pagbabalik ni Rosales sa Philippine cinema pagkatapos ng mahabang pamamahinga.
Huli siyang napanood sa big screen sa 2018 romantic drama na “The Girl in the Orange Dress.”   Sa telebisyon, nagbida siya kamakailan sa hit ABS-CBN drama na “Lavender Fields.”
“I feel so honored to be with this team. Coming to a script like this which is so potent and so entertaining, I feel so lucky and happy.
“Here, you will see Quezon as a person.  He’s not written as a hero.  He is cunning, he is charming, he is intelligent.  Quezon is such an interesting character to play;  there are so many things I can put into the role to build Quezon as a character.  That adds to the pressure, but at the same time I am very excited,” pahayag pa ng aktor.
Ayon naman kay TBA Studios President and COO Daphne Chiu, “We are honored to welcome Jericho Rosales as he leads the cast of ‘Quezon.’ Jericho’s unbelievable screen presence has made him one of our best actors today, and we’re all looking forward to working with him and seeing how his artistry can give life to one of the country’s most charismatic yet divisive political figures.”
Samantala, ibinahagi ng direktor at co-writer ng “Quezon” na si Jerrold Tarog na si Rosales ay na-cast dahil sa husay na ipinakita ng aktor noong nag-audition siya para sa role ni Gen. Antonio Luna sa 2015 historical biopic na “Heneral Luna.”
Bibida rin sa “Quezon” sina Mon Confiado at Benjamin Alves, na muling gagampanan ang role nila sa mga naunang pelikulang “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral.”
Nagbabalik si Confiado bilang Emilio Aguinaldo at karibal ni Quezon sa pulitika.   Samantala, ginagampanan ni Alves ang nakababatang Manuel L. Quezon.
Makakasama rin sa “Quezon” sina Karylle Yuzon bilang asawa ni Quezon, Aurora Quezon;  Romnick Sarmenta bilang Sergio Osmeña, ang unang Bise Presidente ng Pilipinas;  JC Santos bilang Manuel Roxas;  at Cris Villanueva bilang ang nakatatandang Joven Hernando, ang tanging kathang-isip na karakter sa serye ng pelikula.
Nagpahiwatig si Chiu na paparating na ang mas kapana-panabik na mga anunsyo ng natitira pang cast ng biopic.
Ang “Quezon” ay bahagi ng cinematic “Bayaniverse” ng TBA Studios, isang serye ng mga pelikulang batay sa kasaysayan ng Pilipinas na kinabibilangan ng mga box office hits na “Heneral Luna” at “Goyo: Ang Batang Heneral”, nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa buong bansa at sa buong mundo sa huling bahagi ng taong ito.
(ROHN ROMULO)