• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Siya pa ang lalapit at babati pag nagkita: RAYVER, walang problema sa kanyang naging ex-girlfriends

WALA raw problema si Rayver Cruz sa kanyang naging ex-girlfriends.

 

Maayos daw ang pakikipaghiwalay niya sa mga ito.

 

“Hindi na kami nagkakausap, pero ‘pag nagkikita naman kami, wala namang problema. Ako pa mismo ang lalapit at babati. Babatiin ko sila, wala namang problema, sey ni Rayver.”

 

Kabilang sa mga naging girlfriends ng ‘The Clash’ host ay sina Cristine Reyes, na ang boyfriend ngayon ay si Marco Gumabao, at si Janine Gutierrez na nali-link ngayon kay Jericho Rosales. Nabalita rin noon na naging girlfriend niya ang actress-beauty queen na si Imelda Schweighart a.k.a. Imelda Hart.

 

Sa relasyon ni Rayver kay Julie Anne San Jose ngayon, very strong and sweet ang relationship nila kahit na raw may mga fan si Julie na ayaw sa kanya.

 

“May mga makikita pa rin ako like sa social media na talagang ina-attack pa rin ako or bina-bash, pero hindi ko na lang po pinapansin. Okay lang din naman kasi hindi na natin mako-control ‘yun eh,” sey pa ng bida ng ‘Asawa Ng Asawa Ko.’

 

 

(RUEL J. MENDOZA)