• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 19, 2025
    Current time: October 19, 2025 6:34 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Singil sa NAIA overnight parking binabaan

BINABAAN ng kalahati ang sinisingil na overnight parking para sa mga pasahero na aalis mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).Sa isang pahayag sa kanilang FB account, binalita ng NAIA na puwedeng mag parking ang mga pasahero kung saan ay itatago na lamang nila ang ticket at boarding pass kapag sila ay maglalakbay.
Pagdating nila ay kanila lamang ipakikita ang kanilang boarding pass sa counter at sisingilin lamang sila ng kalahati para sa standard overnight rate. Ang sinisingil ngayon ay nagkakahalaga ng P600 para sa 24 na oras mula sa dating P1,200. Ang mga buses naman ay kailangan magbayad ng P1,200 mula sa dating P2,400 habang ang sa motorcycles ay naging P240 mula sa dating P480.
“The parking fees were raised in October last year to prioritize passengers, noting that the lower parking rates unintentionally encouraged misuse of the airport’s limited parking spaces. However, one group has questioned before the Supreme Court the increases in airport fees under the San Miguel-led NAIA operator, saying that the PPP Code never empowered implementing agencies to grant their private partners unbridled power to fix any kind or category of rate or charge,” wika ng NAIA.
Samantala, sa sektor pa rin ng aviation, sinabi ng bagong talagang Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez na patuloy silang nakikipag-usap sa mga airlines upang humanap ng paraan na maging mababa ang pamasahe sa darating na Undas at Kapaskuhan.
Nakipag-usap na rin noon ang dating DOTr Secretary Vince Dizon sa mga airlines upang maging mababa ang pamasahe sa mga domestic flights lalo na sa mga kilalang destinasyon sa Pilipinas tulad ng Siargao. May mga ulat sa DOTr na ang pamasahe sa Siargao ay tumaas ng hanggang P30,000 para sa balikan na trip kahit na ang fuel surcharge ay bumaba na ng husto.
“I am going to meet the airlines to see where their discussion ended. Definitely, the objective is to have it lowered,” wika ni Lopez.