• February 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinang-ayunan ang kahalagahan ng mga sari-sari store… BINI JHOANNA, tampok sa isang cameo role sa heartwarming tribute ng Puregold

IPINAGPAPATULOY ng Puregold ang pasasalamat nito sa mga may-ari ng sari-sari store o maliliit na negosyante sa serye ng mga Sari-Sari Stories, sa pinakabago nitong video na nagtatampok ng espesyal na cameo mula mismo kay Jhoanna Robles ng BINI.
Ang “The Witness” ay isang short film ng kuwentong pag-ibig, coming of age, at ang
pagyabong ng pagmamahal sa pagdaan ng mga taon, na hinubog ng pagmamahal at
pananatili—na natunghayan ng tahimik na presensya ng may-ari ng sari-sari store.
Dagdag sa ganda at koneksyon sa naratibo ang cameo ni Jhoanna, at binibigyang-diin
nito ang mensahe ng pelikula: pasasalamat sa mga may-ari ng maliliit na negosyo sa
bansa.
Sinang-ayunan ni Jhoanna ang ginagampanan ng mga sari-sari store sa araw-araw
nating pamumuhay, “Importante na hindi mawala ang sari-sari store. Bukod sa pagiging very Pinoy, ito pa rin ang pinaka-accessible sa maraming komunidad. Iba pa rin yung may mapupuntahan kang malapit sa’yo.”
Sinusundan ng pinakabagong Sari-Sari Story ang umuusbong na pag-iibigan ng
dalawang magkababata, at ang pagyabang ng munting pagmamahal sa pagdaan ng
mga taon tungo sa isang tunay at tumatagal na relasyon. Ipinapakita ng video ang
ligaya at lungkot ng kanilang samahan, mula sa perspektiba ng may-ari ng sari-sari
store na nakita ang lahat.
Kahawig ng pananaw ni Jhoanna ang damdamin ni Puregold senior marketing manager Ivy Hayaga-Piedad, “Puregold has always been a proud ally of micro-entrepreneurs across the country. Through Sari-Sari Stories, we continue to uphold the role sari-sari store owners play in our everyday lives. In their communities, they bring people together by providing convenience and access to daily essentials.”
Pagpapatuloy ang “The Witness” ng mahuhusay na kuwento mula sa Sari-Sari Stories,
gaya ng “Ways” na itinampok si Stell ng SB19, at “The Sign,” na isinama naman si
Skusta Clee.
Sa kabuoan, nagsimula ng mga usapan ang mga serye, at nakaramdam ng koneksyon sa mga kuwento ang mga netizen, Aling Puring members, at taga-sunod ng Puregold—patunay lamang ng mahalagang parte ng mga sari-sari store sa araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
Habang nagpapatuloy ang serye, lalo pang nahihikayat ang mga manonood na
abangan ang susunod na kuwento, isang repleksyon ng integrasyon ng mga sari-sari
store sa buhay ng mga tao at sa mga pinagsisilbihan nitong komunidad.