• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:57 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sinadya ang new look bilang attorney; SHAINA, na-excite sa bagong role at sa reunion nila ni GERALD

DAHIL sa new look ni Shaina Magdayao na short blonde hair na first time niyang ginawa, maraming napa-second look sa aktres sa nakaraang special screening at mediacon ng upcoming series na ‘Sins of the Father. ‘
Sadyang binago raw niya ang look para sa karakter niyang si Atty. Leah Rivera na unang beses din niyang gaganap na isang abogado at makakatunggali niya si Nico Antonio, na isang abogado sa totoong buhay pero mas pinili nitong umarte sa harap ng camera.
Tinanong namin si Shaina kung anong paghahanda ang ginawa bilang abogado at kung nag sit-in siya sa sa hearings.
“Well, kapag tinatanong ako kung ano pang role ang hindi ko nagawa at wala akong maisagot kasi feeling ko nagawa ko na lahat but when this show was pitch to me, I realized na meron pa pala akong hindi nagawa which is being a lawyer, portraying being a lawyer, ” sagot niya.
“Nakaka-excite kasi bago for me and also it’s my reunion project ‘Ge (Gerald Anderson) and most of them and also it’s my first time to work with Direk Bjoy (Balagtas).
“And sa mga hindi po nakakaalam, direk FM (Reyes) was my direktor in Marinella (1999) when I was 7 (or) 8, (tawanan ang lahat dahil nagkaalaman ng edad) sorry po hindi na po ako magsisinungaling pagdating sa edad, direk.”
“Kasi po ‘yung mga nagmarka sa aking mga shows which was Marinella when I was a very young girl and then Lobo (2008) when I was 18 which is a very mature role na for me and now at 35 I get to work with him (direk FM) again, so I said to the show because of the fact din na makaka-collaborate ko siya ulit.
“Siyempre marami nang nagbago sa amin, nagbago na ako bilang tao at siya rin, so, it’s really nice to collaborate now.  Ngayon, masasabi ko bago lahat for me,” kuwento pa ni Shaina.
At kung nag sit-ins siya sa mga hearings, “no naman, siyempre growing up nanonood tayo ng mga series, mga movies, marami rin tayong mga kaibigan na lawyers.
“Actually very challenging kasi mga terminologies siyempre parang matter of fact mor in sasabihin ‘yung linya mo, hindi ka masyadong tentative o kaya hindi ka mag-iisip bago mo sabihin ang statement, so merong rhythm, isa ring malaking challenge for me.”
Anyway, naunang nagsama sina Gerald at Shaina sa series na Nathaniel noong 2015 na isa rin si Julie Ann Benitez sa nag-develop noon for ABS-CBN Studios.  At itong Sins of the Father ay under na mismo ng JRB Creative Productions.
Mapapanood na ang Sins of the Father simula sa Hunyo 23 sa Kapamilya channel, A2Z, TV5, Iwant, TFC at Kapamilya online live at sina FM Reyes at Bjoy Balagtas ang direktor mula sa script ni Dindo Perez.
Bukod kina John, Lotlot at Gerald ay kasama rin sa serye sina Jessy Mendiola, Shaina Magdayao, JC de Vera, Francine Diaz, Seth Fedelin, Jerald Napoles, Jeremiah Lisbo, LA Santos, Joshua Eliason, Tirso Cruz lll at marami pang iba.
(REGGEE BONOAN)