• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Simula na ng pag-akyat ng Filipinas sa world stage

ANG pagkopo sa titulo ng 2022 Asean Football Federation Women’s Championship ay simula pa lamang ng pag-akyat ng Philippine women’s national football team sa world stage.

 

 

Blinangka ng Filipinas ang four-time AFF champions na Thailand, 3-0, sa finals sa harap ng higit sa 8,000 fans kamakalawa ng gabi sa Rizal Memorial Football Stadium.

 

 

“For me, we’ve just climbed a hill, but there’s mountains that lay ahead,” sabi ni national head coach Alen Stajcic sa mga Pinay booters na nauna nang nabigo sa mga Thais, 0-1, sa group stage.

 

 

Tinalo naman ng mga Pinay ang Vietnam, 4-0, sa semifinals para umabante sa finals at muling makatapat ang Thailand.

 

 

“Beating Japan, Korea and China, North Korea and Australia is such a more difficult task, so you know, I’m definitely not getting ahead of myself,” dagdag ng Australian mentor.

 

 

Si defender Jessica Cowart ang unang sumipa ng goal para sa Filipinas kasunod ang mga koneksyon nina Katrina Guillou at striker Sarina Bolden para talunin ang Thailand.

 

 

Sumalang ang Filipinas sa training camp sa Turkey at Slovenia at sumabak sa ilang friendlies bago umuwi ng Pinas para lumahok sa AFF tournament.

 

 

Bago pa lumahok sa AFF Women’s Championship ay gumawa na ng kasaysayan ang Filipinas.

 

 

Ito ay nang makakuha sila ng tiket para sa 2023 FIFA Women’s World Cup dahil sa kanilang semifinal finish sa AFC Women’s Asian Cup noong Pebrero dagdag pa ang bronze-medal finish sa 31st Vietnam Southeast Asian Games sa Hanoi noong Mayo.