• April 5, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SIMBAHAN UMAPELA NA PABAKUNAHAN ANG 5-11 TAON GULANG

HINIMOK ng simbahan ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 5 hanggang 11-taong gulang bilang proteksyon laban sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Pagadian Bishop Ronald Lunas, chairman ng CBCP-Episcopal Committee on Basic Ecclesial Communities, bagama’t muling bumababa ang kaso ng COVID-19 ay marami pa ring komunidad ang may mataas na hawaan kaya mahalagang pabakunahan na ang mga bata nang makaiwas mahawaan at magkakaroon ng malalang sintomas ng virus.

 

 

“Vaccination is perceived as one of the means to prevent a severe effect of COVID-19. Even Pope Francis considers receiving vaccines as an act of charity to others, even to ourselves,” pahayag ni Bishop Lunas sa Radio Veritas.

 

 

Iginiit naman ng obispo na patuloy na iginagalang ng simbahan ang desisyon ng mga ayaw pa ring makatanggap ng bakuna ngunit paalala nito na dapat pa ring maging maingat ang publiko upang maiwasan ang mahawaan at makahawa ng virus.

 

 

“While one’s decision is respected and we don’t discriminate against people, we encourage all to be extra careful and loving,” ayon pa sa obispo. (GENE ADSUARA)