Sila ang sinisisi sa pagkamatay ni Emman: KUYA KIM, kinastigo ang netizen at tinawag na ‘evangelical bully’
- Published on October 29, 2025
- by @peoplesbalita
IBANG klase talaga ang ibang Pinoy netizen.
Hindi na halos nag-iisip o lumalabas talaga ang hindi kagandahang pag-uugali.
Kahit na grieving pa rin si Kuya Kim Atienza sa untimely death ng anak na si Emman Atienza, hindi niya napigilang hindi sagutin ang in-appriate comment sa kanila.
Sila ang sinisi ng nagpapaka-relihiyosong netizen. Pinangaralan pa sila at sinabing hindi raw ang Panginoon ang kumuha ng buhay nito, ito mismo ang gumawa sa sarili. At silang mga magulang, hindi nila naprotektahan. Nag-quote pa ng verse sa bible.
Sinagot ito ni Kuya Kim na, “You’re evangelical bully. My Emman did not make that choice as clearly as you make choices. My Emman was clinically depressed.”
Siyempre, marami ang kumampi kay Kuya Kim.
***
JUDY ANN, kinikilig ‘pag tinatawag na Chef Juday
PROUD is an understatement sa na-feel namin kay Judy Ann Santos nang humarap siya sa media.
Masayang-masaya ang actress at very proud na siya ang kinuhang celebrity ambassador ng Kyowa.
Sabi nga ni Juday, “Very grateful! Itong year na ‘to, although, always naman akong grateful sa mga blessing, pero specifically talaga this year, yung tiwala ng mga brands, and Kyowa.”
Hindi raw talaga siya naniwala noong una na nag-inquire ang Kyowa na gagawin siyang ambassador. Ang dahilan, alam daw niya na wala itong ambassador for the longest time.
“Malaki na silang brand, parang hindi na sila maghahanap ng ambassador. They’ve been here for almost four decades. Wala ng kailangang patunayan.”
Sa totoo lang, perfect naman talaga si Juday bilang ambassador ng Kyowa dahil nagre-resonate ito sa kanyang totoong personalidad.
Napakahusay ni Juday na during her younger years, talagang 24/7 siya halos mag-trabaho. Pero nang mag-asawa, nagawa niyang balansehin o mas i-prayoridad ang family life.
Pero heto, very relevant pa rin. Bukod nga sa mga endorsements, ang taon din na ito ang nagbigay sa kanya ng left and right awards.
At hindi lang siya Queen of Soap Opera, kinikilig daw siya lalo kapag naririnig ang tawag sa kanya bilang ‘Chef’ o ‘Chef Juday.’
(ROSE GARCIA)