• March 8, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SID, na-experience nang nakipag-lovemaking sa loob ng kotse tulad ng ginawa nila ni CINDY sa movie

PALABAN talaga ang premyadong aktor na si Sid Lucero, hindi lang sa aktingan pati na rin sa hubaran.

 

 

Sa trailer pa lang ng newest sexy-suspense thriller ng Vivamax na Reroute kung saan kasama niya sina Cindy Miranda, Nathalie Hart at ang Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla, pinakita na ang daring love scenes nila ni Cindy.

 

 

Kuwento pa ng Kapuso actor na wala talagang kiyeme sa paghuhubad, mas madali raw sa kanya ang makipag-love scene sa isang lalake dahil kadalasan ay isang take lang ay okey na.

 

 

Kumpara sa babae ang ka-eksena dahil maraming kailangan alagaan at dapat aware din sa kanilang sa paggawa ng mga love scene para maprotektahan ang kanyang nakaka-partner tulad ni Cindy at Angeli Khang sa isang pang movie na Silip Sa Apoy na mapapanood din sa Vivamax ngayong Enero.

 

 

Pag-amin pa ni Sid sa dalawang pelikula na nagawa niya, hindi raw siya naglagay ng plaster.    

 

 

So, kapag nagkamali tayo sa blocking, cameo!

 

 

“E, hindi puwede yun, because it’s also part of my contract and you also have a contract. And now, we both have something to take care of each other na we’re responsible for each other.

 

 

Umamin din si Sid nang matanong ang cast ng Reroute, na noong kabataan ay nagawa na niya ang nakaka-excite na sexy scene sa loob ng kotse tulad ng ginawa nila sa Cindy sa pelikula.

 

 

Inabutan daw sila ng malakas na ulan at halos wala ng natirang kotse sa parking area. At habang naghihintay na tumila ang ulan, nagawa nila ng ka-partner niya ‘yun, na kahit aminado siyang hindi komportable.                               Never naman daw gagawin yun ni Nathalie, mas gusto niya sa isang romantic na lugar at may effort naman ang guy para siya makipag-love making.

 

 

Natanong na Cindy tungkol dito at hindi pa raw niya ito nagagawa dahil takot din siyang mahuli o maeskandalo. Since wala naman siyang boyfriend at hindi lumalabas ng bahay, kaya imposible naman na magawa niya ito, pero hindi naman siya nagsasalita ng tapos.

 

 

Kuwela at natatawa naman ang sagot ni John, kahit naman saan naman ay puwede itong gawin at kung kayong dalawa lang naman at walang makakakita, kahit daw sa ibabaw ng stove.

 

 

Ang Reroute ay mula sa direksyon ni Lawrence Fajarado (Amok, Nerisa, Mahjong Nights, A Hard Day) na siguradong papatok na naman sa higit 2 million subscribers ng Vivamax, streaming na ito simula bukas, January 21, 2022.

(ROHN ROMULO)