‘Shared bike lane’ ibinasura ng MMDA
- Published on August 31, 2023
- by @peoplesbalita
IBINASURA ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panukala na ‘shared lane’ para sa mga bisikleta at motorsiklo sa EDSA.
Ito ay makaraan ang pulong ni MMDA chair Romando Artes sa mga kinatawan ng mga motorcycle at bicycle groups kung saan nabigo na makaabot sila sa isang kasunduan at desisyon.
Dahil dito, maghahanap na lang umano ng ibang opsyon ang MMDA para masolusyunan ang problema sa dumarami pang motorsiklo na dumaraan sa EDSA.
“As we speak maraming motorsiklo na pumapasok sa exclusive bike lanes. ‘Pag pinaghigpitan, kami pa ang kini-criticize,” dagdag niya.
Kabilang sa mga alternatibo ang “elevated walkway o bikelane”, na umano’y makatutulong sa pagpapaluwag sa trapiko sa EDSA.