SHAKE HANDS SA EVACUATION CENTERS, IWASAN
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
IWASAN ang physical close contact tulad ng shake hands o paghawak ng kamay at pagyakap sa mga evacuation centers.
Ito ay paalala ng Department of Health (DOH) sa mga evacuees at mga opisyal na bumibisita sa mga evacuation centers.
Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na maaring nasasabik na ang mga residente at gustong maipakita ang kanilang pasasalamat sa mga opisyal na nagbibigay ng ayuda ngunit lagi rin aniyang tandaan at maintindihan na may banta pa rin ng Covid-19.
Kaya naman aniya iwasan muna ang paghawak kamay, shake hands at pagyakap at kailangan pa ring mag-maintain ng physical distance dahil maari pa rin aniyang makapanghawa sa ganyang pamamaraan.
Dagdag pa ni Vergeire, maari naman aniyang magkaroon ng ibang paraan para maipakita ang taos pusong pasasalamat natin sa komunidad at mga lider ng gobyerno. (GENE ADSUARA)