Seryeng pinagbidahan nila ni Kyle, minus point sa fans… DONNY, may bagong movie na kasama ang ka-loveteam na si BELLE
- Published on February 5, 2026
- by @peoplesbalita
HINDI naman super semplang sa rating ang “Roja” na pinagbibidahan ni Donny Pangilinan kasama si Kyle Echarri.
Kaya lang iba pa rin talaga ang hatak sa televiewers ni Donny kapag ang ka-loveteam na si Belle Mariano ang kanyang kasama sa project. Minus point at ayaw ng fans na pinaghihiwalay ang dalawa.
Kaya tiyak na ikatutuwa ng DonBelle fans dahil may bagong project ang favorite nilang tambalan. At movie ito sa Star Cinema na may tentative title na “All Over Again” na ididirek ng blockbuster at house director ng naturang film outfit.
Medyo matured roles na rin ang gagampanan ng karakter nina Belle at Donny. Ibang-iba raw ito sa nagawa na nilang projects.
Malapit na raw ang shooting nito at posibleng ang DonBelle at abangan na lang kung kailan ito ipalalabas.
***
JANUARY 20, ang birthday ng best and most awarded host ng bansa na si Toni Gonzaga.
At bago tumulak patungong Singapore with husband director and film producer na si Paul Soriano and their kids Seve and Polly.
Sa meeting nila for her most watched talk show na “Toni Talks” sa kanyang TGS channel in Youtube, ay tinreat lahat ni Toni ang kanyang masisipag na staff sa isang sikat na resto.
Enjoy siyempre ang lahat sa blowout sa kanila ng unfading Ultimate Multimedia Star.
Tulad ng youngest sister na si Alex Gonzaga ay very blessed ang 2025 kay Toni na may mga bagong endorsement like Aurum by Hikari Skin Essentials with Alex, Theobroma Coffee Mix, etc. Kaya sine-share lang ni Toni ang kanyang blessings na natatanggap mula sa Itaas. Yes hindi lang nasusulat pero generous na boss at kaibigan itong si Toni.
At maging sa mga relatives nito ay galante rin ang TV host-Actress. Namana ito ni Toni at Alex sa kanilang Mommy Pinty na bukas palad rin.
Nasa Singapore sina Toni, Direk Paul at mga anak kasama ang dalawang yaya. At sa dinner treat ni Direk Paul sa kanyang only one wife, kitang-kita sa mukha ni Toni na masaya siya at contended sa kanyang married life.
Kaya tigilan na ang pang-iintriga sa showbiz couple.
Kasama sana sa trip na ito sina Mommy Pinty at Alex dahil gusto silang makasama ni Toni sa Singapore. Kaso, hindi pwede dahil parehong may committment ang dalawa. Samatala, dinagsa pala ng pagbati sa social media si Toni at mga kakilala at kaibigang kapwa celebrities na sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez. Sila ang PBB Angels.
“More than 20 yrs of friendship and so many seasons of life later, and here we are. We’ve grown, changed, and taken on so many roles, but the friendship has always stayed. That’s something I’m truly grateful for,” mensahe ni Mariel sa kanyang IG for Toni.
And her wish, “love, laughter, and all the good things we deserved.”
(PETER S. LEDESMA)