Sentro pa rin ng mga isyu dahil sa pasaring: ANNE, itinanggi ang viral post tungkol pagdyo-joke ni VICE GANDA
- Published on August 18, 2025
- by @peoplesbalita
Ito ay dahil sa ginawang pasaring ni Vice sa mga DDS at kay former President Duterte.
In fairness, kung may mga bumabatikos ay meron din namang nagtatanggol sa sikay na TV host.
Pati mga followers ni Vice ay nabawasan na from 20M, naging 19M na lang ang followers ni Vice sa kanyang facebook page.
Maraming mga loyal sa mga Duterte ay nag-unfollow na sa kanya .
Kumbaga, hindi nagustuhan ng mga DDSÂ yung jetski holiday joke sa kanyang concert kamakailan lang.
May mga ipinakita pang mga screenshot na bilang pagpapatunay na hindi na sila followers ng isang Vice Ganda.
Dagdag pa ang binanggit ng mga ito na pati raw mga produktong iniindorso ni Vice ay hindi na raw nila tatangkilikin.
Iiwasan na raw ng mga ito na kumain sa McDonald’s pati na rin ang pag-order sa Shopee ay ititigil na raw nila.
Pero hindi raw naman dapat malungkot dahil may mga nagtatanggol pa rin kay Vice at naniniwala silang madali niyang malampasan ang isyung ito.
***
MATAPANG naman ang komento ng dating sexy star na si Sabrina M sa Facebook account nito.
“Makapagpatawa ka lang kahit may matapakan kang mga tao??? Its very wrong..pwede ka magpatawa ng wala kang lalaitin o matatapakan…from comedy bar to noontime show to concert…haist…VERY WRONG, ” lahad pa ni Sabrina.
Naloka naman si Anne Curtis sa kumalat na post sa social media na supposedly ay hindi siya favor sa ginawa ng kaibigan at kasamahan sa ‘It’s Showtime’ na hanggang ngayon ay trending pa rin dahil sa kanilang concert ni Regine Velasquez na ‘Super Divas’ sa Araneta Coliseum last weekend.
“Good morning guys! See you on showtime today!” umpisa ni Anne.
“And cguro naman by now alam nyo Hindi galing sa akin ung post that’s floating around about my sisterette!!! Konting RESPETO naman po,” dagdag ng bida ng “It’s Okey to Not Be Okay”.
Ayon kasi sa pekeng post ni Anne…
“Sometimes ‘yung joke mo Vice hindi na talaga nakakatuwa, di mo talaga ramdam na nakakasakit kana ng tao. “Kahit yun man ang role mo mag control ka naman sa mga biro mo, alam mo ba na iilan din kami na may lihim na galit sayo?
“Di ka nalang namin pinapatulan dahil lamang sa respito! ang hilig mo magpahiya ng tao di mo nga alam na andami na contestant na badtrip sayo!”
(JIMI ESCALA)