• April 9, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sensor-based traffic light palit sa countdown timer ng MMDA

PINALITAN na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng mga sensor-based na traffic light ang mga countdown timer.

Ayon sa MMDA , ang 96 countdown timers sa signalized intersections ay sensor-based traffic lights, na pagbabatayan ng mga motorista kung kailan tatawid.

Sinabi ng MMDA na ang inisyatiba ay bahagi ng kanilang adaptive signaling system na unang ipinatupad noong 2012.

Ang sensor-based traffic lights umano ay nag-a-adjust depende sa dami ng mga sasakyan sa kalsada, lalo na sa gabi.

“Mini-measure niya, lalung-lalo na sa gabi, ‘yung volume ng traffic. For example, Lane A, wala nang dumadaan. Kahit na naka-program siya initially na 1 minute, ika-cut short ngayon to 30 seconds at ililipat niya doon sa mas maraming beses dahil mas may volume,” ani MMDA Chairman Don Artes.

“I think yung warning na 5 blinks, tapos 3 seconds na yellow and then red is sufficient enough para makapag-adjust yung ating mga kababayan at malaman nila kung dapat na ba silang mag-slow down, ‘di ba? Para hindi sila mag-beat ng red light,” aniya pa. (Daris Jose)