SENIOR HIGH SCHOOL TEACHER, GUSTONG MALINAWAN SA SUPREME COURT ANG TERMINONG FORTHWITH
- Published on August 28, 2025
- by @peoplesbalita
ISANG Senior High School teacher ang humihingi ng paglilinaw sa Korte Suprema ang terminong “forthwith” sa Konstitusyon.
Sa 15 pahinang Motion for Reconsideration na inihain nig petitioner na si Barry Tayam, nanindigan ito na nabigo ang High Tribunal sa pagbigay ng desisyon sa usapin dahil sa trancendental na kahalagahan nito.
“The use of the term “forthwith” in the recent 97-page Supreme Court decision was only limited to four (4) instances, and the term was neither given specific constitutional definition nor was its meaning elaborated upon in detail. The decision did not provide a clear, time-bound interpretation of the term, leaving its precise meaning whether in days, weeks, or months without a proper constitutional framework,” saad sa MR.
Dagdag pa niya, na ang kakulangan ng isang tiyak na interpretasyon sa desisyon ng SC ay lumilikha ng isang kalabuan na maaring mangailangan ng karagdagang judicial clarification upang magtatag ng isang malinaw na timeline. (Gene Adsuara)