Senado, hindi dapat gamiting taguan mula sa ICC
- Published on March 15, 2025
- by Peoples Balita
SINABI ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na ayon sa 1987 Constitution, Art VI, Sect 11, ay puwede lang protektahan ng senado ang mga miyembro nito mula sa pagkakaaresto habang naka-sesyon.
“Eh, di ba ayaw ng Senado na mag-session hanggang June? Besides, di dapat ginagamit ang posisyon bilang shield sa pagharap sa pananagutan,” ani Manuel.
Sinabi ng mambabatas na ‘pathetic’ na masaksihan ang isang dating mataas na opisyal ng pulisya na gumamit ng salitang nanlaban ay nanginginig umano ngayon sa pagharap sa international justice.
“Bato Dela Rosa’s desperate attempt to hide behind parliamentary immunity exposes the hollowness of the past administration’s bravado. The thousands of victims’ families deserve justice, not this shameful spectacle of powerful men cowering in fear of accountability,” dagdag ni Manuel.
Ayon pa sa kongresista, napakaraming Pilipino ang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa madugong war on drugs na ito at ngayong may pananagutan na ay biglang naghahanap ng lusot.
Sinabi naman ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas na hindi dapat gawing hideout ng kriminal ang Senado. Isang malaking kahihiyan kung ang isang institusyong dapat nagtataguyod ng hustisya ay gagamitin bilang taguan ng mga umiiwas sa pananagutan.”
Sa halip aniya na gamitin ang kanyang political privilege, hinamon ni Brosas si Dela Rosa na harapin ang ICC.
“Just a few days ago, he boldly challenged the ICC with ‘bring it on’ and even said he was ready to join and take care of Duterte in jail. But now that accountability is catching up to him, especially after Duterte’s arrest, he’s suddenly trembling in fear and scrambling for Senate protection,” dagdag ni Brosas. (Vina de Guzman)