• April 6, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. IMEE, isi-share ang style secrets at mga proseso sa paggawa ng batas

ISA na namang weekend na hitik sa tawanan at mahalahagang bagong impormasyon kasama si Senator Imee Marcos ang matutunghayan sa premiere ng dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang opisyal na YouTube channel.

 

 

Sa araw na ito, Oktubre 21, ibabahagi ni Sen. Imee ang kanyang style secrets sa pagpapanatili ng kagandahan ng kanyang buhok habang pinapakita sa kanyang viewers kung paano putulin ang buhok DIY (Do It Yourself) style!

 

 

Isiniwalat ng ever-innovative na Senadora na nagsimula siyang mag-surf sa YouTube dahil sa pandemya at may napanood siyang DIY haircutting tutorial kaya sinubukan niya at epektibo ito.

 

 

Bilang isang ‘Dakilang Ilokana’ na aminadong conscious sa budget, na-realize niya na malaki ang matitipid niya dito. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nanatiling ligtas, sapagkat hindi na niya kailangang pumunta sa isang crowded na salon para sa kanyang regular na haircuts.

 

 

Sa video na ito, ibabahagi niya ang kanyang helpful tips kung paano gupitin ang sarili mong buhok, maging maganda, at makatipid na rin – at lahat ng ito ay DIY!

 

 

Ngayong Sabado, Oktubre 22, isa na namang informative at masayang ‘ImeeSolusyon’ episode ang mapapanood kasama ang isa sa mga paboritong ka-chikahan ni Sen. Imee na si Juliana Parizcova-Segovia.

 

 

Sa espesyal na episode na ito, gagabayan ni Sen. Imee ang kanyang mga loyal viewers at si Juliana ukol sa mga batas na kanyang sinulat bilang isang Senadora.

 

 

Ipapakita ni Sen. Imee ang proseso ng pagsulat ng batas – mula sa inception at inspirasyon hanggang sa development na pinagdaraanan nito. Hanggang sa maging panukalang batas, hanggang maging ganap na batas na ito.

 

 

Alamin kung paano putulin ang sarili mong buhok at ang mga batas na nilikha ni Senadora Imee para sa taumbayan at ‘wag kalimutang mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured

(ROHN ROMULO)