• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:52 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sen. Bam Aquino nanindigan na dapat ituloy impeachment trial

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa isang pahayag, sinabi ni Aquino na bilang co-equal branch, dapat nirespeto ng Korte Suprema ang mandato at kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng impeachment trial. “Bilang co-equal branch, malinaw ang mandato ng konstitusyon at kapangyarihan ng Senado, kaya nararapat na irespesto ang proseso ng impeachment,” wika ni Aquino. “

Nananawagan ako sa mga kapwa Senador na agad magsagawa ng caucus para talakayin ang desisyong binabalewala ang aming tungkulin sa Saligang Batas,” dagdag pa niya. Bago rito, nagpahayag na ng kahandaan si Aquino na gampanan ang papel bilang senator-judge. “Sa prosesong ito, titiyakin nating mananaig ang ating mga batas at kapakanan ng ating mamamayan,” wika ni Aquino sa isang Facebook post. Sa hiwalay na post, sinabi ni Aquino na kumonsulta na siya sa mga abogado at mga eksperto bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa pagdinig. “Sumangguni sa ilang kaibigang abogado at eksperto upang kumonsulta at paghandaan ang nalalapit na impeachment trial at ang responsibilidad bilang senator-judge,” ani Aquino. “Bubusisiing mabuti ang mga ebidensyang ipepresenta, magiging mapanuri, at bukas ang mata at isip sa proseso,” wika pa niya. (Daris Jose)