• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 2:01 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Secret pa kung meron kaya dapat abangan sa ‘Only We Know’:  CHARO, game sa kissing scene with DINGDONG kung kailangan sa kuwento

SA ginanap na launch event ng pelikulang ‘Only We Know’ na sinulat at idinirek ni Irene Emma Villamor para kina Ms. Charo Santos-Concio at Dingdong Dantes ay halata sa mga batuhan ng linya na may relasyon ang mga karakter nilang Ryan at Betty base sa trailer.
At dahil May-December affair ang kuwento ng ‘Only We Know’ ay automatic na ang tanong ay kung may intimate scenes bagay na napapangiti ang dalawang bida na hindi nila sinagot ng diretso kundi read between the lines na lang.
Game naman sumagot ni Ms. Charo sa naugthy questions tulad ng kung sakaling kailangan may kissing scene sila ni Dingdong.
“Depende sa context ng kissing scene kailangan nasa konteksto ng kuwento,” nakangiting sagot ng premyadong aktres.
Habang sumasagot si Ms. Charo ay napapangiti naman si direk Irene bagay na nahalata ng press kaya tinanong siya kung may kissing scene ang dalawa at sinagot niya ng ‘secret!’ kaya nagkatawanan ang tatlo.
Ito naman kasi talaga ang aabangan sa ‘Only We Know’ kung papayag si Ms. Charo na magkaroon ng sila ng intimate scenes ni Dingdong.
Aliw ang sagot ng aktres, “talaga?  Gusto mo ba? (tanong niya sa nagtanong na siangot ng ‘oo’)” at napa’hmmm’ ang leading lady ni Dingdong.
Say naman ng aktor kung may kissing scene, “only we know.”
Hirit ni direk Irene, “may surprise, siguro mag-usap tayo ulit kapag napanood n’yo na ang movie.”
Hmm tila may pa-survey kung tanggap ng manonood si Ms. Charo na magkaroon ng intimacy o affection kay Dingdong na sa palagay namin ay may dalawang version ito.
Isang may kissing scene at isang wala at kung ano ang feedback base sa trailer ay doon pag-uusapan ng cast at producers kung ipapakita ito sa pelikula o hindi kaya sinagot kami ng, “panoorin n’yo.”
Sa kabilang banda ay inamin ni direk Irene na sina Ms. Charo at Dingdong talaga ang gusto niya sa script na sinulat niya 7 years ago.
Aniya, “Bale meron kaming mutual friend na producer na nag-isip and then si Dong ‘yung lumapit sa akin na gusto na niyang maka-trabaho si Ma’am Charo at isinama niya ako sa meeting and nag-pitch ako ng concept sa kanilang dalawa and the rest is history.”
Matatandaang nagka-trabaho na sina Dong at direk Irene sa pelikulang ‘Sid & Aya:  Not A Love Story’ noong 2018 kasama si Anne Curtis at dahil maganda talaga ang kuwento nina Sid at Aya kaya humirit ulit si Dingdong with Ms Charo as his leading lady na inaming gusto niyang maka-work ang dating boss ng ABS-CBN.
Sakto ang bilang naming dahil after 7 years, 2018 at 2025 na ngayon bukod pa na mas lalong na-inspire si Dingdong bilang isa sa producer ng mga pelikula niya, ang AgostoDos Pictures dahil kumita ito ng P160M.
Nang mabasa raw nina Ms Charo at Dingdong ang script ay nagustuhan nila agad.
Sagot ni Ma’am Charo tungkol sa script, “sabi ko nga, napakatapang (Dingdong) because he wanted to do this movie, this narrative with me.”
Base sa trailer ay may chemistry sina Ryan at Betty kaya naman nu’ng unang mapanood ito sa socmed ng Star Cinema ay iisa halos ang narinig naming komento, “ay nakaka-intriga ang kuwento, panoorin ko” at “true kayang may relasyon o iniisip lang ng viewers, baka platonic.”
Samantala, hindi magkakilala ng personal sina Ms Charo at Dong at inamin din ng un ana wala sa radar niyang maka-trabaho ang aktor dahil nga abala siya sa trababo niya bilang president ng ABS-CBN bukod pa sat aga-GMA 7 ang aktor.
Pero aminadong napagkikita na niya si Dingdong noon sa bakuran ng ABS-CBN dahil ang unang pelikulang ginawa ng aktor sa Star Cinema ay ‘Segunda Mano’, 2011 kasama si Kris Aquino at Angelica Panganiban.
Anyway, mapapanood ang ‘Only We Know’ nationwide simula sa June 11 handog ng Star Cinema, AgostoDos Pictures, 7K Entertainment at Cornerstone Studios.  Makakasama sa pelikula sina Shamaine Buencamino, Joel Saracho, Al Tantay, Max Collins, Johnny Revilla, Rafa Sigueon-Reyna, Isabel Oli, Gil Cuerva, Yesh Burce at Soliman Cruz.
(REGGEE BONOAN)