• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 4:37 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sec. Roque, handa nang magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo

HANDA na si Presidential Spokesperson Harry Roque na magpaalam bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

Kung si Pangulong Rodrigo Roa Duterte aniya ay ito na ang huling State Of the Nation Address (SONA) ay siya naman ay huling SONA niya rin ito bilang tagapagsalita ng Pangulo.

 

“At bagama’t ito pong SONA na ito ay …..ito na rin ang kahuli-hulihang SONA ko bilang tagapagsalita, so hindi lang po si Presidente ang magpapaalam,” anito.

 

Sa ngayon ay patuloy ang gagawin niyang pakikipagtulungan sa mga miyembro ng media at pagdadala ng mga balita at mga impormasyon na nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan.

 

Sinabi pa niya na nagagalak siya sa pagkakataon na naibigay sa kanya para maging instrumento na isulong ang freedom of information ng taumbayan.

 

Sa kabilang dako, magpapa-schedule naman si Sec. Roque ng “thorough physical check-up” bago po dumating ang buwan ng Setyembre para malaman kung ano talaga ang estado ng kanyang kalusugan.

 

Ayaw namang umasa ni Sec. Roque sa kung ano ang magiging resulta ng kanyang medical conddition sa naka-iskedyul na pagpapa-check up niya.

 

“Well, titingnan po muna natin iyan. Ayaw ko na po munang umasa ‘no dahil noong minsan, tayo po ay umaasa eh hindi naman pupuwede dahil sa ating medical condition ‘no. So pinagdadasal po natin iyan at titingnan po natin kung ano ang sasabihin ng mga doktor,” ayon kay Sec. Roque.

 

Samantala, isa si Sec.Roque sa sinasabing kasama sa inisyal na listahan ng inaayos ng Pangulo na magiging manok nito sa pagka-senador sa 2022 elections. (Daris Jose)