• April 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SEAG team training inaayos na ng PSC at POC

Aligaga na ang Philippine Sports Commission (PSC) at ang Philippine Olympic Committee (POC) para sa pagbabalik-ensayo ng mga national athletes na sasabak sa 31st Southeast Asian Games.

 

 

Hanggang ngayon ay ipinagbabawal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga team training sa NCR Plus bubble sa harap ng pagsipa ng mga COVID-19 positive cases sa bansa.

 

 

Umaasa si PSC Commissioner at Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez na masisimulan na ang full training ng mga atleta sa Hulyo 1 kung kailan posibleng mayroon nang COVID-19 vaccines ang mga ito.

 

 

“The joint secretariat for the SEAG are carefully working on the SEAG plan,” sabi kahapon ni Fernandez sa kanilang pulong ni POC president at Tagaytay City Congressman Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

 

 

Nauna nang sinabi ni Fernandez na magpapatupad ang PSC at POC ng “no vaccine, no training” policy kung hindi bababa ang mga kaso ng COVID-19 positives sa mga susunod na linggo.