Scrap collector, 1 pa kulong sa sugal at P270K shabu sa Valenzuela
- Published on May 21, 2025
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P270K halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect matapos mahuling nagsusugal ng cara y cruz, kasama ang isang construction worker sa Valenzueloa City, Miyerkules ng madaling araw.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) District Director P/BGen. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela Police OIC Chief P/Col. Relly Arnedo ang mga naarestong suspek na sina alyas “Jeff”, 40, scrap collector at alyas “Randy”, 42, kapwa ng residente Brgy. Parada.
Ayon kay Col. Arnedo, nakatanggap ang Paso De Blas Police Sub-Station (SS-1) ng impormasyon mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal gambling activity sa F. Santiago St,. Brgy. Parada.
Agad inatasan ni SS1 Commander P/Capt. Michael Oxina ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PSSg Fernando Laciste Jr, kasama sina PCpl John Ray Laredo at Pat Randy Oray na puntahan ang lugar kung saan huli sa akto ang mga suspek na abala sa paglalaro ng cara y cruz dakong alas-12:30 ng hating gabi.
Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong piso coins na gamit bilang ‘pangara’ at P750 bet money habang nakuha naman ni PCpl Laredo kay alyas Jeff ang isang sling bag na naglalaman ng walong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na nasa 40 grams at nagkakahalaga ng P272,000.
Ayon kay PCpl Christopher Quiao, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa P.D. 1602 (Anti-Illegal Gambling/Cara y Cruz) habang karagdagan na kasong paglabag sa Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Art II of RA 9165 ang kakaharapin pa ni ‘Jeff’. (Richard Mesa)