• June 20, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso patuloy aayudahan ng ICTSI sa mga torneo

Marami pang panalo!

 

 

TINIYAK ng chief backer ni Yuka Saso na magpapatuloy ang suporta sa Fil-Japanase shotmaker makalipas ang makasaysayang pagkakampeon sa 76th US Women’s Open Golf 2021 nitong Lunes (Linggo sa Estados Unidos).

 

 

Ibinahagi ng International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) ni business tycoon Enrique ‘Ricky’ Razon, Jr., ang tumutulong pinansiyal sa 19-anyos na tubong San Ildefonso, Bulacan,  na hindi hihinto ang kumpanya sa pagtulong sa manlalaro.

 

 

“ICTSI will continue supporting Yuka in her golfing career, and we look forward to more victories,” nakasaad sa statement kamakalawa ng ICTSI, na humigit-kumulang na sa P60M ang napalabas sa top Philippine pro sapul nang suportahan ito nang 12-anyos pa lang.

 

 

Nagpaabot rin ng malugod na pagbati ang ICTSI nang madale ng tinedyer ang pinakamatagal nang golf major sa mundo nang ungusan sa third playoff hole si Nasa Nataoka ng Japan.

 

 

“International Container Terminal Services, Inc. congratulates Ms Yuka Saso for winning and being the first Filipino to win in a major golf championship that is probably one of the hardest to win – the recently concluded 76th U.S. Women’s Open Golf Championship at the Olympic Club in San Francisco, California.”

 

 

Ang nasabing kompanya ang mga umalalay din sa dalawa pang pang Pinay golfer na sina Bianca Isabel  Pagdanganan at Dottie Ardina. (REC)