Saso minalas pero nagbulsa ng P1.3M
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI nagging maganda ang pagtatapos na laro ni Yuka Saso, may maalat na four-over 76 para makuntento lang sa five-way tie sa 13th place, lubog ng pitong palo sa nag-reynang si Nippon Saki Nagamine sa wakas nitong Linggo ng 53rd Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) Minolta cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama.
Kabilang ang 68-70-69 patungo sa 283 lang score ng top Philippine pro golfer hambing sa Haponesa na pumoste ng stroke win (69-276) sa mga kalahing sina Na-Ri-Nee Inari (67-277), Ayako Kimura (69-277) at Hikari Tanabe (71-277), mga nagtabla para sa sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto.
Nakapagsubi si Nagamine ng top purse na ¥36M o katumbas ng P16.5M sa apat na araw na paluan sa loob ng 72 butas at nagsilbing panlimang torneo ng mayamang sport circuit na ito sa Asya.
May grasya pa rin ang Fil-Japanese rookie pro na isinilang sa San Ildefonso, Bulacan na ¥2,640,000 (P1.3M) sa pagmintis sa una niyang pagtatanga sa unang major title sa paliga.
Isa lang ang nai-birdie sa back nine ni Saso, nakatatlong bogey sa holes No. 10, 16 at 18th, at dalawa pa sa front nine sa ikaanim at ikapitong butas na pumigil sa hangad sana niyang pangatlong korona sa limang kompetisyon dito. (REC)