• April 24, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Saso asinta ang 1st major crown

KULANG man sa paghahanda at talagang tigasing mga Haponesa ang makakatapat, tiwala pa rin si Yuka Saso ng Pilipinas sa pangatlong korona at unang malaking karangalan sa inumpisahan na kahapon (Setyembre 10) na 53rd ¥200M JLPGA Championship Minolta Cup 2020 sa JFE Seto Inland Sea Golf Club sa Okayama, Japan.

 

Nasa ituktok  ang 19-anyos na Haponesang-Pinay na bagitong professional golfer  sa money standings sa dalawa nang tangang korona na sa lumiit na mayamang sport ciruit sa rehiyon dahil sa coronavirus disease 2019.

 

Tumabla lang sa 29th place sa nitong Linggong  20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu ang hindi marunong mag-Nihongga pero matatas mag-Tagalog na tubong San Ildefondo, Bulacan, at ay isa pang panlimang puwesto tinapos sa apat na kompetisyon ng Japan Ladies Profressional Golf Association (JLPGA).

 

Pero mapapasabak siya laban kina 2020 Scotland Biritish Open sixth placer Momoko Ueda, 16-time JLPGA titlist Ai Suzuki,  Golf 5 tilt runawaychampionr Sakura Koiwai at Earth Mondahmin Cup winner Ayaka Watanabe.

 

May 131 parbusters ang karibal ng NEC Karuizawa at Nitori Ladies champion na si Saso  sa 72-hole, four-day golfest na magkakaloob sa mamayagpag dito ng ¥36M (₱16.5M) paycheck . (REC)