Santiago tinitimbangin pa ang susunod na lalaruan
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI tatalikuran ni Pilipina volleyball star Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago ang patuloy na paglalaro sa ibayong dagat sakaling hindi pa rin makabalik ang women’s indoor volleyball event ng Philippine SuperLiga (PSL) sa taong ito.
Nakakatlong taon na sa Japan V. League sa Ageo Medics Volleyball Team, ipinahayag ng 25-year-old, 6-foot-5 former PH national player, na katatapos lang ng liga sa Land of the Rising Sun kung saan pumanlima ang kanyang koponan.
Idinagdag pa kahapon ni Santiago, na pag-aaralan pa niya ang kanyang mga susunod na hakbang kung sa ‘Pinas na magpapatuloy nang pagpalo o sa ibayong dapat pa rin.
Pinanapos ng dalaga, na nagpapadala rin ang agent niya ng kanyang kredensiyal sa iba pang mga liga sa iba’t ibang ng mundo na katulad sa China, Italy at Turkey, kaya may posibilidad din mula sa Japan ay lumipat siya ng ibang liga sa Europe o Asia pa rin. (REC)