• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:26 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sanay sa drama at pagganap ng kontrabida: MARTIN, aminadong mas nahihirapan sa action at sa comedy

MIYEMBRO ng Philippine National Police o PNP ang papel ni Martin del Rosario sa upcoming film na “Beyond The Call Of Duty”. Hindi naman unang beses na gumanap bilang man in uniform. “Marami-rami na. Actually, yung “Anino Sa Likod Ng Buwan” (na stageplay) sundalo naman ako dun, parang nakarami na akong man in uniform,” umpisang pahayag ng Sparkle male artist. “Siguro yung mag-portray ka ng isang taong with honor, man with honor kasi ang character dito ni Ricky Mapa. “So actually, ako naman gusto ko talagang mag-portray ng mga roles na hinahangaan, yung kapita-pitagan, nagkakataon lang napupunta lang talaga ako sa mga kontrabida roles nitong mga previous projects ko. “Pero excited akong maging mabait, maging honorable ulit. Feeling ko mas ano ko naman talaga iyan, mas gusto ko, mas gusto kong gawin,” ang nakangiting wika pa ni Martin. Versatile actor si Martin, kahit saan siya ilinya, comedy, kontrabida, action o sexy, kaya niyang gampanan. At sa tanong kung saan siya mas hirap… “Mas mahirap? Mas nahihirapan ako sa action at sa comedy, sa totoo lang,” bulalas ni Martin. “Yung drama kasi parang ilang years naman na akong dramatic actor. “Tapos kung dun sa mga sexy scenes naman, hindi naman siya talaga pinaplano e, more on kailangan ninyo lang i-assure ng ka-partner mo yung respect sa isa’t isa. “Kumbaga, ‘Ito okay lang ba gawin ko ito sa iyo? Itong action na ito, hindi ka ba ma-offend?’ “Once na yung ka-partner mo very open, alam niyo yung gagawin sa isa’t isa, may respeto, wala naman masyadong problema yung mga sexy scenes. “Ang ano ko is sa action, ano kasi ako e, gusto ko inaaral bawat step. Hindi kasi ako natural dancer, so yung mga steps, like yung… kunwari dito sa Lolong, yung mga sapakan, iyan, nagpapa-call ako ng mas maaga sa production para lang mas maaral ko ng maayos yung mga action numbers. “Comedy naman, feeling ko kasi ang isang comedian, pinanganak na yan na skill e, may natural talent ang pagiging mabilis, pagiging witty, yung mga ganyan.” Samantala, ang “Beyond The Call Of Duty” ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero dito sa ating bansa. Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Martin ay sina Jeffrey Santos, Teejay Marquez, Martin Escudero, Paolo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Mark Neumann, Lance Lucido, Devon Seron, Alex Medina, Migs Almendras, Rob Sy, Lovely Rivero, Sharmaine Suarez, Tyke Sanchez, Simon Ibarra, at Christian Singson. Ang direktor nito ay si Jose “JR” Olinares na supervising producer rin ng pelikula. Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director, screenplay by Eldrin Veloso at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer. Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP) at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc. Ang PinoyFlix Films and Entertainment Production ang magre-release ng “Beyond The Call of Duty” sa mga sinehan soon. (ROMMEL GONZALES)